Advertisers
ARESTADO ang isa sa mga salarin sa panununog ng walong sasakyan sa General Santos City.
Aminado ang salarin na siya ang nasa CCTV footage at hindi itinanggi ang panununog.
Base sa imbestigasyon ng mga pulis at ng Bureau of Fire Protection, 3:00 ng madaling araw nagsimula ang serye ng mga panununog ng mga sasakyan.
Nahuli ang 30 anyos na salarin, na ‘di nakapagpalit ng damit kaya madaling nakilala ng mga pulis.
Aniya, binayaran siya ng kakakilala palang niya sa trabaho ng P2,000 para sunugin ang sasakyan ng kagalit.
Ayon sa salarin na si alyas Sixto, kinakailangan niya ng pera para sa kanyang misis na may sakit.
Tumanggi namang magpa-interview ng mga nabiktima, pero sinampahan na ng kasong arson ang salarin.
Isinasantabi na ang anggulong terorismo sa insidente.