Advertisers

Advertisers

Lola, pinatay ng inireklamo sa loob mismo ng bgy. hall

0 7

Advertisers

ISANG 70-anyos na lola ang napatay ng kanyang kagalit sa loob mismo ng isang barangay hall habang nagsasampa ng kaukulang reklamo noong Biyernes, November 10, 2023.



Kinilala ang biktima na si Bobih Lofranco Montero.

Nakakulong na ang salarin na si Ronit Soriano Villarin, na kinumpirma mismo ng barangay officials ng Altavista sa Bansalan, Davao del Sur na siyang pumatay gamit ang mahabang itak kay Montero, na kanilang nasaksihan.

Sa ulat, nagsasampa ng reklamo si Montero laban kay Villarin hinggil sa ginawa nitong paglason sa kanyang mga alagang manok nang bigla itong magwala sa harapan ng barangay officials na nagsasagawa ng pag-dukomento ng salaysay ng biktima hinggil sa naturang insidente.

Hinablot ng 55-anyos na si Villarin ang buhok ng matandang babae at hinampas ang ulo nito sa sementong dingding ng barangay hall, hinugot ang kanyang itak na nakasukbit sa baywang at agad na pinagtataga ang biktima na kaagad namatay.

Agad namang naigupo si Villarin ng mga barangay tanod, nagapos at naihatid sa Bansalan Municipal Police Station.

Nahaharap na sa kaukulang kaso si Villarin, na umamin sa kanyang nagawang krimen.

Sa report, adik diumano sa shabu si Villarin at matagal ng kilala sa kanilang barangay na mahirap pakitunguhan dahil may masamang ugali.