Advertisers

Advertisers

Pagbasura sa ill-gotten wealth case vs Marcos, et al pinagtibay ng Korte Suprema

0 3

Advertisers

PINAGTIBAY ng Korte Suprema ang desisyon noong 2012 na nagbasura sa “ill-gotten wealth case” na isinampa laban sa yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos at ilan sa mga tinaguriang “cronies” kasama na ang negosyanteng si Lucio Tan.

Sa desisyon, sinabi na nabigo ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) na patunayan ang mga sinasabing ingat-yaman ng namayapang dating pangulo ng bansa.

Nakasaad pa sa desisyon na ilan din sa mga ebidensiya ay kaduda-duda.



Isinulat ni Associate Justice Rodil Zalameda ang desisyon.

Inihain ng PCGG noong 2017, isang taon matapos mapatalsik sa puwesto ang yumaong pangulo, ang kaso at ito ay ibinasura ng Sandiganbayan kaya’t dinala ito sa Korte Suprema.

Hindi napatunayan na ang mga kinuwestiyon na ari-arian sa reklamo ay ilegal na nakuha.