Advertisers
NANAWAGAN ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa transport group na PISTON na itigil na ang plano nitong tatlong araw na transport strike.
Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, nakipag-ugnayan siya kay PISTON National President Mody Floranda sa pag-asang magkaroon ng kompromiso para sa kapakanan ng mga commuter.
Nagbabala rin si Guadiz na ang mga jeepney driver na sasama sa protesta ay maaaring mabawi ang kanilang prangkisa.
Matatandaan na sinabi ni Floranda na kakanselahin lamang ng PISTON ang transport strike kung susundin ng gobyerno ang mga kahilingan nito hinggil sa Public Utility Vehicle (PUV) modernization program.
Kabilang na ang pagbasura sa consolidation requirement na kanilang pinangangambahan na mag-aalis ng single-unit operators at mga franchise ng ruta.
Kaugnay, ay sinabi ni FLoranda sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo na maninindigan ang kanilang grupo sa pagkasa ng tatlong araw na transport strike na magsisimula sa Nobyembre 20.