Advertisers

Advertisers

PNP pinakikilos sa mga patayan

0 7

Advertisers

PINAKILOS ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang Philippine National Police (PNP) na gumawa ng seryosong hakbang laban sa walang pakundangan na patayan sa bansa.

Sa deliberasyon para sa panukalang 2024 budget ng PNP, ikinaalarma ni Villanueva ang mga patayan kamakailan lamang na ikinukonsidera ng PNP na “isolated cases” na nakita ng buong mundo sa pamamagitan ng social media.

Sinabi ni Villanueva na ang hayagang pagpatay sa harap ng lahat ay kailanman ay hindi nangyari dati, kaya kailangan na gumawa ng seryosong hakbang ang PNP tungkol sa nasabing isyu.



Partikular na tinukoy ni Villanueva ang pagpatay sa mag-live-in partner sa loob ng isang bus sa Nueva Ecija at nakunan ng CCTV na kumalat sa social media.

Umaasa si Villanueva na makakakuha sila ng report at development kaugnay sa naturang kaso kung mayroong kaso na naisampa na.

Nagpahayag din ng pagkaalarma si Senate President Juan Miguel Zubiri sa serye ng patayan sa bansa na nagiging “black eye” sa international community. (Mylene Alfonso)