Advertisers

Advertisers

3 todas sa banggaan ng 3 sasakyan sa Maynila

0 9

Advertisers

NASAWI ang tatlo katao nang magbanggaan ang tatlong sasakyan sa Paco, Maynila nitong Linggo ng madaling araw.

Sa imbestigasyon ng Manila Traffic and Enforcement Unit (MTEU), nakilala ang mga nasawi na sina Apolonio Toyado, 42 anyos, tricycle driver; at pasahero nitong si Joven Braga, 46, kapwa taga-Pandacan, Maynila; at rider na si Ronald Betonio, 35, housekeeper ng Quezon City.

Nauna rito, binabagtas ng isang pick up na may plakang XLL 461 at minamaneho ng isang government employee na si Sanny Ayon, nakatira sa 0 PE PSG Malacañang Park, San Miguel, Maynila, ang westbound lane ng Paz Guanzon Street, Paco nang pagsapit sa harapang bahagi ng Mitsubishi Motors ay sumalpok ang harapang bahagi ng sidecar na minamaneho ni Apolonio Toyado, na nag-counter-flow sa lane ng binabaybay ni Otoy.



Ang kanang bahagi ng sidecar ni Toyado ay bumangga naman sa kaliwang bahagi ng motorsiklo na minamaneho ni Betonio na bumababaybay naman sa kahabaan ng eastbound ng Paz Guanzon Street.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon sina Toyado at Braga ng ilang metro at namatay noon din, habang naitakbo pa sa Philippine General Hospital si Betonio nang rumispondeng MDRRMO nguni’t idineklarang patay makalipas ang dalawang oras .

Hawak na ngayon ng MTEU si Ayon na nahaharap sa kasong Vehicular Incident Resulting to Multiple Homicide and Damage to Property with Physical Injury. (Jocelyn Domenden)