Advertisers
UMABOT na sa walong katao ang nasawi habang 13 ang sugatan nang tumama ang 6.8 magnitude na lindol sa Sarangani Davao Occidental ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa datos na inilabas ng NDRRMC, nasa 8 katao na ang nasawi at 13 sugatan sa Jose Abad Davao Occidental, Malapata, Sarangani, Glan Sarangani at Genaral Santos.
Nasa 180 pamilya o 1,509 individual ang apektado ng kalamidad.
Umabot sa 54 mga kabahayan ang nasira sa Davao Occidental, Davao Oriental, South Cotabato at Sarangani habang 71 mga infrastructure ang napinsala sa Davao City, Davao Occidental, Davao del Sur, Davao del Norte, Davao de Oro, South Cotabato at Sarangani.
Naibalik na sa normal ang linya ng mga kuryente, nadadaanan o bukas na sa lahat ng mga sasakyan ang mga naapektuhang mga tulay habang 3 mga kalsada ang sarado o hindi pa madaanan ng mga sasakyan sa SOCCSKSARGEN.
Patuloy naman ang pamamahagi ng mga tulong ng NDRRMC sa apektadong pamilya sa naganap na lindol.
Magugunita na niyanig ng 6.8 magnitude na lindol ang Sarangani Davao Occidental nitong Biyernes ng hapon. (Mark Obleada)