Advertisers

Advertisers

Brgy. chairman pinatay sa loob ng bahay

0 16

Advertisers

PINATAY ang isang bagong halal na kapitan ng barangay sa loob mismo ng kaniyang bahay sa Purok 3, Calitlitan, Aritao, Nueva Vizcaya, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Rolando Serapon, 76 anyos.

Sa ulat ng Aritao Police, kausap ng biktima ang kanyang misis sa loob ng kanilang bahay nang sumulpot ang salarin at pinagbabaril ang kapitan na nakaupo, 6:45 ng gabi.



Mabilis na tumakas ang ‘di kilalang gunman, habang agad na isinugod sa Nueva Vizcaya Provincial Hospital ang biktima subali’t idineklarang dead-on-arrival.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sakay ang salarin ng isang motorsiklo nang sumibat at may katamtamang pangangatawan, nakasuot ng itim na short pants, itim na T-shirt, at berdeng face mask.

Napag-alaman na bago ang pagpaslang sa biktima, dumalo ito sa turn-over ceremony na isinagawa ng araw na iyon para sa unang araw ng panunungkulan ng mga bagong opisyal ng barangay.

Agad na bumuo ng Special Investigation Task Group ang PNP na tututok sa kaso at para matukoy ang salarin at motibo sa nasabing krimen.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">