CRIME WATCH GROUP: PBBM DAPAT PUMILI NG ACTION MAN PNP CHIEF, ACORDA JR. AT LUCAS ‘LAME DUCK’ VS VICES SA CALABARZON!
Advertisers
By: CRIS A. IBON
TINAWAG ng mga opisyales at miyembro ng ‘Mamamayan Laban sa Bisyo at Krimen’ (MLBK) na “lame duck” sina Philippibe National Police (PNP) Chief, General Benjamin Acorda, Jr.; at Region 4-A Director Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas dahil sa pagtaas at ‘di masugpong insidente ng kriminalidad sa rehiyon sanhi ng iba’t ibang uri ng mga iligal na sugal sa CALABARZON.
Sinabi ng MLBK sa Police Files TONITE na hindi kumikilos at mistulang “patay na parada” o inutil sina Acorda Jr. at Lucas laban sa illegal gambling, droga, paihi, smuggling at iba pang iligal na matagal nang problema sa limang nasasakupang probinsya ng CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon).
Ang hindi sawatang gambling sa R4-A, ayon sa naturang vice and crime watch, ay naging salot sa mga mahihirap na mamamayan dahil sa pagkalulong, hindi lamang sa sugal at droga lalo na sa shabu na ibinebenta sa mga nagkalat na vice den.
Isa sa pinaka-matinding sikat na uri ng vice den sa rehiyon ay ang “puesto pijo” na mini-casino o permanenteng sugalan na pinoproteksyunan ng kapulisan at iba pang awtoridad na bukod sa sugal at droga ay nag-aalok din ang mga operator nito ng “bayarang aliw”.
Mga menor de edad ang karamihang biktima sa flesh trade sa Batangas, Rizal at Laguna at sa iba pang panig ng rehiyon, ayon pa sa MLBK.
Ang mini casino ng isang nagngangalang “Glenda” na mahigpit na binabantayan at protektado mismo ng ilang pulis at “kapustahan” (police tong collector) sa Barangay Santiago, Malvar, Batangas ang itinuturong pinaka-noturyos na maihahalintulad sa underground Philippine Offshore Gaming Operation (POGO).
Sa bulgar na lugar, kadikit ng CP Reyes Satellite Clinic for dialysis patient sa Brgy. Santiago, ang POGO- style mini casino ni Glenda ay may mapagpipiliang sugal tulad ng color game, sakla, cara y cruz na kilalang tao-ibon o pingpong at didal na bukod pa sa pinaka-madaya ay parang hinoholdap ang mga mananaya. May bentahan din ng shabu sa paligid ng sugalan.
Kung ang hanap naman ay panandaliang aliw, may mga bugaw si Glenda na puwedeng kalabitin at bulungan upang makasama ang mapipiling batang-batang “Maria Dampot’ na laging handang magbigay ng panandaliang aliw sa mga nangangailangang player/customer.
Galit na galit naman kina Malvar Police Chief, Capt. Nemecio C. Calipio Jr. at Mayor Crestita Reyes ang mga apektadong pamilya at mga pasyenteng nakaratay sa CP Reyes Satellite Clinic for Dialysis Patient pagkat malaking istorbo sa kanila ang pasugalan con drug at prosti den ni Glenda, ngunit di naman umaaksyon sina Mayora at Hepe.
Maraming beses anilang sila ay nagreklamo laban sa perwisyong dulot ni Glenda at hiniling kay Mayora para pakilusin, ipaaresto kina Capt. Calipio Jr., ang naturang gambling con drug operator nguniit nabalewala lang ang kanilang reklamo, di rin umaksyon ang dalawa pati na ang vice mayor at municipal councilors ng Malvar.
Bukod dito, nag-ooperate din ng STL con-jueteng sina Eboy at alyas Nestro na nagpapanggap na utol ni Mayora Reyes. Ang rebisahan ng mga ito sa taya ay sa Brgy. San Fernando ng naturan ding munisipalidad. Mayroon ding araw-araw na malakasang “tupada” sa Brgy. Bagong Pook si alyas “Gen. Abo Sayaf” a.k.a “Gen. Abo Gago”, na kilala ding operator ng STL con-lotteng sa Malabon City.
Ang nagpapakilalang kumare ni Mayora Reyes na si Glenda ay may kapareho ding operasyon ng mini casino na pergalan na dinarayo ng mga gambling at drug addict sa Brgy. Pinagtong-olan, Lipa City, Batangas, pero tila walang alam dito sina Batangas Provincial Director Colonel Samson B. Belmont, Lipa City Mayor Eric Africa at City Police Chief LtCol. Rix Villareal.
Sa bayan ni Taytay Mayor Allan de Leon, isang Jose at Pearly naman ang mga maintainer ng POGO style mini casino sa parking space ng ground floor ng G Vibes Resto Bar sa Brgy. San Isidro. Pero ang nakapagtataka’y wala ring alam dito si Rizal PNP Provincial Director, Col. Felipe B. Maraggun.
Sina Acorda Jr. at Lucas ay “lame duck”, diin ng MLBK kung kaya hiling nila kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na pumili ng susunod na PNP Chief na magtatrabaho upang hindi makompromiso ang kanyang liderato dahil sa kapalpakan ng mga pulis.