Advertisers

Advertisers

Dalagita, 7 kapamilya kinasuhan sa pagkamatay ng boyfriend

0 18

Advertisers

NAGSAMPA ng kasong ‘murder’ ang kapatid ng isang lalaking natagpuang walang buhay sa kalsada sa Rodriguez, Rizal.

Ayon sa ulat, kinasuhan ang 16-anyos na girlfriend ng kanyang kapatid at pitong kapamilya ng dalagita.

Nadiskubre ng barangay tanod na si Elmer Mikin Pecson ang bangkay ni Ronald John Delgado sa Macabud Road sa Sitio Calumpit, Barangay Macabud noong Oktubre 30.



Kinilala ng kanyang kapatid na si Rachel Ann ang biktima.

Nabatod na umalis si Delgado ng bahay gabi ng Oktubre 29 para makipagkita sa kaklase.

Kinabukasan, nakatanggap si Rachel ng kahina-hinalang text mula sa biktima.

Sinabi umano ng biktima sa text na huwag na siyang hanapin dahil nakipagtanan na ito sa kanyang girlfriend.

Isang kaklase naman ng girlfriend ang nagsabi sa mga pulis tungkol sa pagtutol ng pamilya ng huli sa relasyon nito sa biktima dahil sa isyung may kinalaman sa relihiyon.



Sinabi pa ng kaklase na humingi ng tulong sa kanya ang dalagita dahil nagbanta umano ang mga kapatid nito na sasaktan si Delgado matapos malaman ang relasyon nila.

Sa parehong araw ay natagpuang bangkay si Delgado.
Isa pang saksi ang nagsabing nagmamadali umalis ng kanilang apartment ang pamilya ng suspek at may dalang mga gamit.