Advertisers

Advertisers

Kagawad patay, backrider, kritikal sa banggan ng motorsiklo

0 7

Advertisers

Patay ang isang kakapanalo pa lamang na barangay kagawad nang ang minamaneho nitong motosiklo ay maaksidente sa provincial road sa Brgy. Canculajao, Catanauan, Quezon nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Zaldy Pañuso, 37 anyos, residente at kagawad ng Brgy Navitas, Catanauan.

Ayon sa report, matuling binabagtas ng motorsiklong minamaneho ng biktima, kaangkas ang binatang si Harvey De Gula, 21 anyos, nang pagsapit sa matalim na kurbada at mawalan ito ng kontrol sa motorsiklo.



Nag-overshoot ito sa daan at sumalpok sa railings ng highway.

Nagtamo ng grabeng pinsala ang dalawa at ang kagawad ay idineklarang dead on the spot ng mga nagrepondeng rescuer.

Kritikal namang isinugod sa ospital ang backrider nito.

Napag-alaman na kapwa walang suot na crash helmet ang dalawa ng mangyari ng aksidente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">