Advertisers
SUSPENDIDO muna ngayong araw ang number coding scheme sa Metro Manila dahil sa tigil-pasada ng ilang transport groups .
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes, may mga ruta na apektado ng transport strike ng Piston.
Iiral ang suspensiyon ng number coding sa buong National Capital Region maliban sa lungsod ng Makati.
Bilang paghahanda rin sa kakaunting biyahe, ilang Local Government Unit ang magbibigay ng libreng sakay sa mga maaapektuhang pasahero.
Ikinakasa ng ilang grupo ang transport strike bilang protesta sa deadline ng consolidation na bahagi ng PUV Modernization Program ng pamahalaan.