Advertisers

Advertisers

P6.9M shabu nasamsam sa Laguna

0 3

Advertisers

Aabot sa P6.9 milyon ang nakumpiskang shabu sa isinagawang anti-drug operation ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Special Operations Unit at Binan City Police Station sa Barangay Sto Nino, Binan, Laguna.

Arestado ang suspek na kinilala sa alyas na “Noordin”, nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na lungsod.

Sa report ni PCol Harold Depositar Provincial Director ng Laguna PNP kay PBGen. Paul Kenneth T. Lucas, Regional Director ng PRO4 Calabarzon, nadakip ang suspek 11:36 ng gabi sa ikinasang buy-bust operation.



Narekober sa suspek ang isang vacuum sealed transparent plastic na naglalaman umano ng shabu na humigit kumulang sa 1,000 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P6,900,000.00 na nakalagay sa isang kulay itim na paper bag.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.