Advertisers

Advertisers

Posibleng ‘killer’ ng MisOcc radio anchor, arestado

0 4

Advertisers

NAARESTO ang isa sa posibleng salarin sa pagpatay sa radio anchor na si Juan “DJ Johnny Walker” Jumalon sa ikinasang buy-bust operation.

Ayon sa ulat, ang nahuling salarin AY akusado rin sa pagpatay sa isang municipal engineer noong Oktubre 2023.

Batay sa police examinations, pinaniniwalaang sangkot ang salarin na hindi pa pinangalanan sa pagpatay kay Jumalon dahil tumugma ang casing na narekober sa pamamaril sa engineer sa nakuha naman sa pagpatay kay Jumalon.



Sinabi ni Philippine National Police Spokesperson, Colonel Jean Fajardo, na ang naturang salarin ay posibleng isa sa dalawang hindi pa tukoy na mga suspek sa kaso ni Jumalon na nagsilbing lookout sa pamamaril.

Pinatay si Jumalon habang naka-live streaming sa Facebook noong Nov. 5 ng taon. Hinablot pa ng salarin ang gintong kwintas sa leeg ng biktima bago tumakas kasama ang lookout, na naghihintay sa labas ng bahay ng mamamahayag sakay ng isang motorsiklo.