Advertisers

Advertisers

Barko na may Pinoy crew na-hijack ng Houthi rebels

0 12

Advertisers

KINONDENA ng Japan ang pag-hijack ng Iran-backed Houthi rebels sa Japanese-operated British-owned cargo ship sa Red Sea.

Ayon sa nasabing Yemeni militia, napagkamalan nila na pag-aari ito ng Israel at ang pagkumpiska ng barko simula lamang ng labanan sa dagat.

Itinanggi naman ng Israel na kanilang pag-aari ang nasabing barko at sinabi ng Japanee government spokesperson na ino-operate ito ng Nippon Yusein.



May lulan na 25 crew members ang barko na may pangalang Galaxy Leader na binubuo ng Bulgarian, Mexican, Filipino at Ukrainian nationals.

Naganap ang hi-jacking malapit sa Hodeida, Yemen habang patungo ito sa India.

Hinikayat ng Japan ang mga bansang Oman, Iran at Saudi Arabia na sabihan ang Houthin para mapalaya na ang barko at ang kanilang mga crew.(Jocelyn Domenden)