Advertisers

Advertisers

Bgy. Kagawad patay sa ambush

0 6

Advertisers

NASAWI ang isang re-elected na barangay kagawad sa ambush sa Sultan Mastura, Maguindanao del Norte nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Anwar Rumangga Mamukan.

Sa ulat nitong Lunes ni Brig. Gen. Allan Nobleza, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, sakay ng kanyang multicab si Mamukan nang tambangan ng mga armadong kalalakihan sa isang bahagi ng Secretary Narciso Ramos Highway sa Sultan Mastura.



Naganap ang insidente hindi kalayuan sa Barangay Balut sa naturang bayan kungsaan nahalal muli bilang barangay kagawad si Mamukan nito lang katatapos na eleksyon.

Nakatakas ang mga nanambang kay Mamukan sakay ng mga motorsiklo,

Naganap ang pagpapatay kay Mamukan kasunod ng pagkakabaril-patay nitong November 1 kay Suharto Mascud Antillino, bagong halal din na kagawad ng Barangay Poblacion 3, Midsayap, Cotabato sa isang mataong lugar sa naturang bayan.

Pagkalipas ng anim na araw, napatay din sa ambush sa Antipas, Cotabato ang bagong halal din na kagawad ng Barangay Dolores sa naturang bayan si Edmar Pineda Perero. Lahat unsolved cases.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">