Advertisers
Arestado ang isang wanted na negosyante sa kasong Attempted Murder sa parking area ng isang mall nitong Lunes ng umaga, Nobyembre 20.
Kinilala ang suspek na si alyas “Indong”, 30-anyos, at residente ng J.Marzan Street, Sampaloc, Manila.
Sa ulat na isinumiti ni Police Lieutenant Celso Sorita Jr., kay Police Major Rommel Purisima, hepe ng District Intelligence Division ll, Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) l0:30 ng umaga nang maaresto si Indong sa naturang lugar.
Isinilbi ni Police Executive Master Sargent Dedimo Alviar, ang arrest warrant laban kay Indong na inisyu ni Hon Julie Aylene Mendoza, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 11 na may petsang Pebrero 15, 2015, nasa Most Wanted Person ng District Level.
Inutos ng korte na magpiyansa ang akusado sa halagang P120,000.00 para sa pansamantala nitong paglaya.(Jocelyn Domenden)