Advertisers

Advertisers

Sen. Gatchalian sinangkot sa project scam

0 6

Advertisers

DINAKIP ang lima katao na kinabibilangan ng tatlong babae na nagpanggap na staff ni Senator Sherwin Gatchalian sa isang entrapment operation sa isang coffee shop sa Pasay City, Lunes ng hapon.

Nag-ugat ang entrapment sa reklamong inihain kay Gatchalian sa National Bureau of Investigation Anti-Organized and Transnational Crime Division (NBI- AOCTD) na pinamumunuan ni Atty. Jerome Bomediano.

Sa imbestigasyon ng NBI, napag-alaman na modus ng nasabing grupo na lumapit sa mga construction company at nambubudol sa pamamagitan ng paglansi at pangakong bibigyan ng “locked in projects” na anila’y mula sa pondo ng mambabatas kapalit ng bayad.

Kinilala ang dalawang lalaking suspek na sina Ryan Lester Dino at Carlo Africa Maderazo.

“The suspects had previous criminal records and it reflected in their demeanor when they were arrested. Sanay na sanay. Walang kaba” paglalarawan ng isang ahente sa mga naarestong con artist.

May suot pang pekeng Senate staff ID si Dino bilang si David Luis Tan, na nagsabing staff din siya ng`Commission on Appointments.’

Si Maderazo naman na nag-pose bilang in-charge para sa mga proyekto ay nabuking na hindi isang inhinyero, base sa pagpapakilala nito sa kanyang mga biktima.

Isinailalim din sa kustodiya ng NBI-AOCTD ang tatlong babae na kasama ng grupo para sa karagdagang imbestigasyon. Kabilang dito ang kinilalang sina Dina at Sherdela, na sinasabing kapwa lumaya nang makapagpiyansa ng P36K.

Naalerto si Gatchalian sa mga iligal na aktibidad ng grupo ng isa sa mga biktima na nag-verify sa tanggapan ng senador.