Advertisers

Advertisers

9-anyos hinataw ng badminton racket ng lasing na stepdad

0 9

Advertisers

DINAKIP ang 29-anyos na lalaki nang hatawin ng raketa ng badminton ang siyam na taon gulang na anak ng kinakasama sa Quezon City, Linggo ng gabi.

Nagtamo ng sugat sa ulo at likuran ang bata.

Ayon kay Police Major Jefry Gamboa, deputy commander ng Holy Spirit Police Station, nasa computer shop ang bata nang dumating ang lasing na stepfather.



“Pagdating niya doon kinausap niya ‘yung kalaro ng bata na tawagin ‘yung anak-anakan niya tapos may nakita siyang raketa ng badminton. Dahil sa kalasingan, hindi alam na dahilan pinagpapalo niya ‘yung bata para pauwiin,” pahayag nito.

Inawat ng mga residente ang stepfather, at sila narin ang nagsugod sa bata sa ospital kungsaan ito inabutan ng kanyang ina.

Sa imbestigasyon, nabatid na hindi ito ang unang beses na napagbuhatan ng kamay ng salarin ang bata.

“Sa tuwing nalalasing itong stepfather, lagi niyang sinasaktan ang bata kaya pinag-aaralan natin ngayon kung ano pa’ yung maaari nating i-file na complaint laban sa suspek,” ani Gamboa.

Aminado ang salarin na nasaktan niya ang bata ngunit iyon daw ang unang pagkakataon.



“Isang beses lang po napalo. Nakainom lang po, sir. Inamin kong kasalanan ko, humihingi ako ng pasensiya sa bata at saka sa asawa ko,” pahayag ng suspek.

Mahaharap ang salarin sa reklamong paglabag sa Republic Act 7610, Special Protection of Children against Abuse, Exploitation, and Discrimination.