Advertisers

Advertisers

9 baybayin sa bansa muling nagpositibo sa red tide

0 9

Advertisers

KINUMPIRMA ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na muling nakakaranas ng red tide ang siyam na baybayin sa bansa.

Kabilang sa mga ito ang mga sumusunod:
Sapian Bay sa Capiz.
Coastal waters ng Roxas City sa Capiz.
Coastal waters ng President Roxas sa Capiz.
Coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol.
Coastal waters ng Pilar sa Capiz.
Coastal waters ng Gigantes Islands, at Carles sa Iloilo.
Coastal waters ng San Benito sa Surigao Del Norte.
Lianga Bay sa Surigao Del Sur.
Dumangquillas Bay sa Zamboanga Del Sur.

Ipinapayo parin sa mga mangingisda na bawal kumain ng shellfish na nakukuha sa mga naturang lugar, dahil sa mapanganib na red tide.



Gayunpaman, ligtas namang kainin ang mga isda, pusit, hipon, at alimango na nahuhuli sa mga naturang karagatan, basta’t nahugasan at naluto lamang ang mga ito ng mabuti.