Advertisers
BRUTAL na pinatay ang isang graduating student sa loob ng bahay ng lasing na kapitbahay sa Barangay Kulambogan, Sibagat, Agusan Del Sur nitong Sabado.
Kinilala ang biktima na si Rezalyn Salahay, 22 anyos, 4th Year Student sa Caraga State University sa Ampayon, Butuan City, dakaga at nag-iisang anak ng magsasaka; habang ang salarin ay nakilalang si Ricky Abarquez, 34, may live-in partner, tubong Pagadian City at bagong kapitbahay ng biktima.
Ayon kay Police Capt. Joel Ablan, hepe ng Sibagat Municipal Police Station, bago ang pangyayari, nag-inuman ang salarin at ama ng biktima dahil sa kaarawan ng ama nito.
Nakaalitan ng salarin ang biktima, at nang umuwi na ang ibang bisita at nakatulog narin ang ama dahil sa kalasingan kungsaan lasing rin ang salarin, dito na ginawa ang pananaga gamit ang itak.
Nagtamo ng maraming sugat sa katawan ang dalaga, sanhi ng agarang kamatayan nito.
Naaresto kaagad ang salarin ng mga operatiba ng Sibagat Municipal Police Station.
Pinaniniwalaang “high” sa tama ng shabu si Abarquez nang kanyang pinagtataga ang dalaga.
Ayon pa kay Ablan, may kasong kinahaharap ang salarin sa Pagadian City at nakapiyansa lamang ito sa illegal possession of firearms. Nahaharap ito sa panibagong kasong ‘murder’.