Advertisers

Advertisers

De Lima inaasahang imbestigahan ng Ombudsman sina Aguirre at Guevarra

0 4

Advertisers

INAASAHAN ni dating Senador Leila de Lima na imbestigahan ng Ombudsman sina dating Justice Secretaries Vitaliano Aguirre II at Menardo Guevarra matapos pagbigyan ng Court of Appeals ang kanyang petisyon na aksyunan ang mga reklamong administratibo laban sa dating mga kalihim.

Dapat din aniya na imandato si dating Justice Secretary at kasalukuyang Solicitor General Guevarra para sagutin ang administratibong kaso at ipagtanggol ang kanyang papel sa pagsuporta sa mga nahatulan ng krimen bilang mga testigo ng estado kahit na sila ay hindi kwalipikado na mabigyan ng impunity sa ilalim ng batas.

Matatandaan na sa ruling na inilabas noong November 21 ruling, pinagbigyan ng Court of Appeals Special 17th Division ang petisyon ni De Lima na baliktarin ang desisyon ng Ombudsman na nagbasura sa mga inihaing reklamo ng dating Senadora na may kinalaman sa paggamit ng pamahalaan ng convicted criminals bilang state witnesses sa kaniyang umano’y illegal drug trading case.



Idineklarang void ang desisyon ng Ombudsman dahil sa kawalan ng due process.

Inalala ng dating Senadora na ibinasura ng Ombudsman ang kaniyang inihaing reklamong administratibo at kriminal nang hindi nagsasagawa ng imbestigasyon o hiniling man lang kina Aguirre at Guevarra na sagutin ang kaniyang reklamo.