Advertisers

Advertisers

Handler ng panabong na manok kinatay ng kabaro

0 7

Advertisers

PATAY ang isang handler o taga-alaga ng mga manok panabong nang pagpapaluin sa ulo ng kapwa handler sa Barangay San Isidro, General Santos City, Linggo ng madaling araw, November 26, 2023.

Ayon sa General Santos City Police Office, may malalaking sugat sa ulo ang biktima na nakilalang si Lloyd Deles Becea.

Sa tulong ng mga saksi at barangay officials ng Barangay San Isidro, agad naaresto ang salarin na si Rolando Domingo Alud.



Ilang beses diumanong pinalo sa ulo ng dos-por-dos ni Alud si Becea habang naglalakad sa isang sidewalk sa tapat ng mga establisimento sa naturang barangay.

Ayon sa pahayag ng General Santos CPO. isa din handler ng mga manok pang-sabong si Alud na nahaharap ngayon sa kasong murder.