Advertisers

Advertisers

PBBM pinuri sa amnestiya para sa MNLF

0 5

Advertisers

PINURI ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang pagsasabatas ng Proklamasyon Blg. 406 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagbibigay ng amnestiya sa kanilang mga miyembro na nais magbalik-loob sa pamahalaan.

Ayon kay Office of Deputy Speaker Ustadz Abdulkarim Tan Misuari, ito ay naglalatag ng landas patungo sa walang hanggang pagkakaisa, kapayapaan, at pagsasama-sama.

Sinabi rin ni Misuari na ang desisyon ni PBBM ay hindi lamang sumusuporta sa reintegrasyon ng mga miyembro ng MNLF sa lipunan, kundi nagbibigay daan din para sa kanilang kontribusyon sa pagbangon ng bansa.



Una nang sinabi ng Pangulo na ang pagbibigay ng amnestiya ay makakalikha ng klima na makakatulong sa kapayapaan at pagsasama-sama, magbubukas ng landas para sa kanilang reintegrasyon sa lipunan, at magbibigay ng access sa mga serbisyong sosyo-ekonomiko ng gobyerno.

Ngunit nilinaw din ng Presidente na ito ay hindi ibinibigay sa mga naunang ipinagbawal o mga may kaso sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 9372 o Human Security Act of 2007, o RA 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020.

Maliban dito, hindi rin saklaw ang kidnap for ransom, massacre, rape, terrorism, at iba pang mga krimeng may mataas o mabigat na kaparusahan.

Nabatid na ang mga aplikasyon para sa pagkakaloob ng amnestiya ay dapat isumite sa Amnesty Commission sa loob ng dalawang taon mula sa pag-iral ng proklamasyon. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">