Trillanes: Binura na ng mga sundalo ang larawan nila kay Duterte na naka-fist bump…‘NAHIHIYA NA SILA!’
Advertisers
IBINUNYAG ni dating Senador Antonio Trillanes IV na binubura na ng mga opisyal at personnel ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang larawan na kasama si dating Pangulo Rody Duterte na naka-fist bump para umano hindi sila mapaghinalaang kasabwat ng anumang planong destabilization ng dating pangulo laban sa pamahalaang Marcos Jr.
Sinabi ni Trillanes, dating Navy official, na ang impormasyong ito ay natanggap niya mula sa kanyang mga kontak sa loob ng military.
Ang unang bump pose, na unang ginawa ni Duterte sa kanyang presidential campaign noong 2016, ay simbolo ng kanyang matapang na kampanya laban sa mga iligal na droga at krimen.
“According to my AFP contacts, the active officers and EP are now voluntarily deleting their photos na naka-fist salute ni duterte,” post ni Trillanes sa X (Twitter). “Either nahihiya na sila or ayaw na ma-associate kay duts at baka madamay pa sa destab calls nya. Buti naman!”
Sa panayam sa kanya sa telebisyon kamakailan, sinabi ni Trillanes na si Duterte ay tila sinusuportahan ang pagsabotahe sa Marcos administration. Inilarawan niya ang dating lider bilang power-hungry at sabik na bumalik sa opisina.
“Duterte has not experienced a life without being in power. He cannot breathe until he has returned to power. Plus the fact that he is under threat by the International Criminal Court. It’s a matter of survival for him and physical freedom. He has the motive to do all these things,” sabi niya sa “The Chiefs” program noong Nov. 11.
Itinanggi naman ni Duterte ang pagka-kasangkot sa anumang hakbang ng destabilisasyon.