Advertisers

Advertisers

2 marinerong Pinoy ligtas sa hijack sa Gulf of Aden

0 2

Advertisers

LIGTAS na ang dalawang Filipino seafarer sa dalawang insidente ng pag-hijack sa Gulf of Aden, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

“The DMW welcomes a report from the U.S. Naval Institute (USNI) that at least two Filipino seafarers on board a hijacking incident in the Gulf of Aden are now safe and accounted for,” ayon sa pahayag na inilabas ng DMW.

Ayon sa DMW, iniulat ng USNI na napigilan ng United States Naval Forces ang pagtatangkang pag-hijack ng isang armadong grupo ng chemical tanker M/V Central Park.



Agad na sinuri ng DMW ang mga rekord nito, nakipag-ugnayan sa lisensyadong manning agency ng barko, at humingi ng buong ulat ng insidente.

Nagsimula rin itong makipag-ugnayan sa pamilya at mga kamag-anak ng dalawang Filipino seafarer.

Hiniling din nila sa Department of Foreign Affairs, gayundin sa iba pang partner sa international maritime and shipping industry na tiyakin ang kaligtasan ng mga Filipino seafarer sa rehiyon.

Iniulat ng USNI na nakatanggap ito ng distress call mula sa M/V Central Park na sinasalakay sila ng hindi kilalang entity.

Sinabi nito na limang armadong indibidwal ang sumakay at nagtangkang kontrolin ang chemical tanker, na pag-aari ng isang negosyanteng Israeli.



“Before the pirates could take control of the ship, the crew had barricaded themselves in the tanker’s citadel, an armored panic room. Unable to seize the crew, the pirates boarded a skiff and headed toward Yemen,” saad sa USNI report.

Idinagdag nito na tinugis ng guided-missile destroyer na USS Mason (DDG-87) ang mga sumalakay na nagresulta sa kanilang pagsuko.

Sa ngayon ay kinokonsidera na ng DMW ang posibilidad na ideklara ang ilang mga lugar sa Red Sea bilang mga high-risk zone para sa mga Filipino seafarer at nakipag-ugnayan sa mga employer at grupo ng mga maritime sa sektor ng dagat.

Samantala, 17 Filipino seafarers na sakay ng Bahamas-flagged Galaxy Leader ay naka-hostage parin simula Nob. 19 nang ma-hijack ang carrier ng sasakyan ng Houthi group ng Yemen.