Advertisers

Advertisers

BUMBERO TIMBOG SA KOTONG SA MGA APLIKANTE!

0 17

Advertisers

NAARESTO sa entrapment operation ang isang kasapi ng Bureau of Fire Protection na nangingikil ng pera sa mga nais makapasok sa government fire service.

Kinilala ang naaresto na si FO3 Jesson Albios Casanes, 35 anyos, nakatalaga sa Isabela City Fire Station, Isabela, Basilan, ng Purok Malaumon, Barangay Poblacion, Malangas, Zamboanga Sibugay.

Hindi na pumalag si Casanes nang arestuhin ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group-9 (CIDG-9) at mga kasapi ng units ng Police Regional Office-9 nang tumanggap ng P400,000 sa isang aplikanteng tumulong sa pulisya na masawata ang kanyang illegal na gawain.



May ilan na diumanong nabiktima si Casanes, na-entrap nitong hapon ng Lunes, November 27, 2023, sa Purok Crossing, Barangay Sicade, Kumalarang, Zamboanga del Sur.

Kaugnay nito, sinabi ni Fire Chief Supt. Renato Marcial, BFP Region 9 Director, na walang bayad ang pagpasok bilang mga personnel ng BFP at kailaman ay hindi nila kukunsentehin ang mga tiwaling gawain ng sinuman sa kanilang mga tauhan.

Umapela rin si Marcial sa mga nabiktima ni Casanes na magtungo sa kanilang tanggapan aat maghain ng kanilang mga reklamo upang lalong tumibay ang kasong isasampa laban dito.(Mark Obleada)