HONTIVEROS NAGHAIN NG RESOLUSYON NA HUMIHIKAYAT SA MALAKANYANG NA MAKIISA SA IMBESTIGASYON NG ICC SA WAR ON DRUGS
Advertisers
Naghain ng Senate Resolution si Senadora Risa Hontiveros na naglalayon na humihikayat sa Palasyo ng Malakanyang na makiisa sa imbestigasyon ng International Criminal Court ( ICC) sa kalagayan o estado ng Pilipinas
Inihain ngayong umaga ni Hontiveros ang Senate Resolution 867 na tinutukoy na responsibilidad ng Pilipinas na mag-cooperate sa ICC kahit pa sinasabing hindi na tayo miyembro nito.
Paliwanag ng Senadora, malinaw sa nilagdaan ng Pilipinas bilang miyembro ng ICC na hindi maaring idahilan ang Withdrawal upang makaiwas sa responsibilidad.
Dahil ang mga iimbestigahan aniya ay mga kaganapan sa bansa noong miyembro pa tayo ng ICC.
April 24, 2017 nang unang inihain ang reklamo sa ICC upang imbestigahan ang mga nangyaring Summary Killings sa Davao City.
June 6, 2017 nang may Supplemental Complaint kaugnay naman sa mga patayan ng War on Drugs ng dating administrasyon
February 8, 2018 nang simulan ni ICC Trial Prosecutor Fatou Bethsouda ang imbestigasyon sa mga reklamo.
March 16, 2018 nang nagsumite ng Withdrawal ang Pilipinas sa membership nito sa ICC na naging epektibo noong March 17, 2019.
Sa Resolution 867 ay walang binanggit na Personalidad partikular na si dating Pangulong Duterte.
Una nito ay ilang Resolution na ang inihain sa Kamara de Representante upang himukin ang Malakanyang na makiisa sa imbestigasyon ng ICC sa madugong War on Drugs ng Administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo. (CESAR MORALES)