Advertisers

Advertisers

Lalaki nag-amok: 2 minartilyo sa ulo

0 5

Advertisers

NASA kritikal na kalagayan ngayon ang isang lady guard at isang empleyadong kasamahan nang pagmamartilyuhin sa ulo ng isang lalaking nag-amok sa Barangay Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite.

Kinilala ang mga biktima na sina Ailyn Lumacad, 42 anyos, security guard; at Janjan Regacho, 37, maintenance; kapwa taga-Paliparan 3.

Arestado naman ang salarin na si alias “Ethelbert” ng Brgy. Paliparan 3, at sinampahan na ng kasong 2-counts frustrated murder.



Sa ulat, 2:05 ng madaling araw nang magwala ang salarin na armado ng martilyo at nang makita si Lumacad patakbo nitong nilapitan at pinaghahataw ng martilyo sa ulo.

Tinangka tulungan ni Regacho ang babaeng guwardya subali’t siya naman ang pinagbalingan at paghahatawin ng martilyo sa ulo ng salarin.

Duguan ang dalawang biktima, habang hinabol ng ilang residente ang salarin at itinawag sa pulisya na ikinaaresto nito.