Advertisers

Advertisers

Mag-asawang amo na bumulag sa kasambahay pinalaya

0 11

Advertisers

PINALAYA na ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang mag-asawang amo na nagmaltrato sa kasambahay sa Occidental Mindoro na si Elvie Vergara.

Ayon kay Senator Francis Tolentino, pinakawalan na ng Senado ang mag-asawang France at Pablo Jerry Ruiz na na-contempt ng kapulungan dahil nakapaglabas na ng report sa imbestigasyon dito ang Senate Committee on Justice and Human Rights.

Sinabi ni Tolentino, ang Chairman ng komite, nakapaloob sa kanilang patakaran na kapag nailabas na ang committee report ng nagsiyasat ay awtomatikong iri-release ang na-contempt.



Naisumite narin ng komite ang report tungkol sa imbestigasyon sa pananakit at pagmaltrato sa kasambahay na nauwi pa sa kanyang pagkabulag, at dito’y inirerekomenda ang pagpapataw ng mataas na multa at mabigat na parusa laban sa mag-asawa.

Si Vergara ay inilagay sa Witness Protection Program ng Department of Justice.