Advertisers

Advertisers

Naga City SK Federation Nagsagawa ng Leadership Workshop kasama ang Galing Pook Foundation, Young People’s Council at Angat Buhay

0 68

Advertisers

NAGSAGAWA ang mga bagong halal na Sangguniang Kabataan Federation ng Naga City ng leadership formation workshop para mapalago at mabigyan ng kaalaman ang mga kabataang opisyal para magampanan nila nang husto ang tungkulin at matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.

Ginawa sa pakikipagtulungan ng Galing Pook Foundation ay Young People’s Council PH at suporta mula sa Angat Buhay, layon ng Matino at Mahusay Young Leaders Formation Series na mapalakas ang mga SK official para maitaguyod ang paglahok ng taumbayan at aktibong mamamayan.

Pinangunahan nina Galing Pook Board Member Kiko Miranda at Executive Director Georgina Hernandez Yang ang mga sesyon sa workshop kasama ang mga practitioner at eksperto sa youth development at governance.



Kabilang dito sina Akbayan chairperson at dating National Youth Commission (NYC) chairperson Atty. Gio Tingson, Namayan Digital Inc. managing director Boom Enriquez, Taytay, Rizal Councilor Tobit Cruz, WeSolve Foundation Inc. president Ken Abante at Angat Buhay executive director Raffy Magno.

Tinalakay sa workshop ang paghahatid ng serbisyo at pagpapatupad ng mga programa na nakabatay sa datos, kabilang ang youth profiling at ID system.

Napag-usapan din ang paggamit ng social media para mapalakas ang mga mekanismo sa transparency, pagpapatibay ng mga konsultasyon sa bawat sona at pagpapatuloy ng mga programa na magpapalakas sa mga kabataan habang tinutugunan ang kanilang pangangailangan.

“The Matino at Mahusay Young Leaders Formation was a holistic training approach to empower the new generation of Sangguniang Kabataan to be more people-centered, impactful, efficient, and inspired in their new responsibilities as public servants,” wika ni Naga City SK Federation President at City Councilor Jefson Felix.

“Through this, it has also been instilled to the young leaders that, more than being skilled and smart, it is always the positive core, the purpose, and the will that set the course of our direction,” dagdag pa niya.



Plano ng SK Federation of Naga City na gamitin ang kanilang mga natutuhan para makabuo ng 10-Point Youth Agenda na magsisilbing pangunahing direksiyon ng kanilang pagkilos sa ehekutibo at lehislatura sa kanilang dalawang taong termino.

Ayon pa kay Felix, iaakma nila ang mga ito sa kanilang 8-Advocacy Directional Areas sa larangan ng good governance, health, education, active citizenship, economic empowerment, arts and culture, environment, at sports development.

Sa sentro ng pag-unlad ng mga komunidad ay isang lokal na pamahalaan na tumutugon sa pangangailangan ng taumbayan. Bunsod nito, nagbibigay ang Galing Pook ng suporta, kagamian at iba pang resources sa LGUs paara makabuo sila ng solusyon sa mga hamon sa kanilang komunidad. Nakatanggap ang lokal na pamahalaan ng Naga ng kabuuang 14 awards para sa kanilang mga programa at mga espesyal na parangal mula sa Galing Pook Awards noong panahon ni dating Mayor Jesse Robredo. “It gives us so much hope to see young elected leaders through this year’s SK officials carry on the legacy of good governance that Naga City is known for throughout the country. They have exercised their leadership by choosing the values of transparency and empowerment as the core of their leadership and governance.,” wika ni Yang.

Bilang pangunahing institusyon na nagtataguyod ng innovation, sustainability, citizen empowerment, at excellence sa lokal na antas, binibigyan ng mga programa ng Galing Pook Foundation ang mga lokal na pamahalaan ng kaalaman at mga magagandang pagkilos na magsusulong ng pag-unlad sa kanilang sariling lokalidad.

Mula noong 1993, kinilala ng Galing Pook Awards ang mga magagandang programa ng mga LGUs kasunod ng mabusising proseso ng pagpili. Nagsilbi rin itong modelo para sa Seal of Good Local Governance (SGLG).