Advertisers

Advertisers

PAGKAMATAY NI EX-PNP CHIEF CASCOLAN PINAGDUDAHAN

0 25

Advertisers

PINAGDUDUDAHAN ng mga kapatid ni dating Philippine National Police Chief Camilo Cascolan ang kanyang pagkamatay lalo’t agad umanong ipina-cremate ang kanyang labi na taliwas sa kanilang hiling.

Ayon kay Atty. Stephen Cascolan, pamangkin ng dating hepe, na pinagdududahan nila ang paglala ng lagay ni Camilo na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Pinagtataka rin nila kung bakit na-cremate ang labi ni Camilo kahit naroon ang National Bureau of Investigation na handang magsagawa ng autopsy.



Sinabi pa ng kapatid nito na malaking tanong kung bakit doktor mula sa PNP at hindi attending physician ang pumirma sa death certificate na siyang ginamit upang mapa-cremate ang dating opisyal.