Advertisers

Advertisers

Say ng dating senador at expert sa batas: PAGBALIK NG PINAS SA ICC ‘DI NA KAILANGAN ANG SENADO – DRILON

0 18

Advertisers

MAY legal authority umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para muling sumali ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC) at hindi na kailangan ng pagsang-ayon ng Senado.

Ito ang sinabi ni dating Senate President Franklin Drilon kasunod ng pahayag ni ICC Assistance to Council Kristina Conti na kailangan ng concurrence ng Senado para muling makabalik ang Pilipinas sa ICC.

“In my view, the concurrence of the Senate is not necessary for the Philippines to rejoin the International Criminal Court (ICC). The Philippines can rejoin the ICC without returning to the Senate,” pahayag ni Drilon.



“The President can rely on the original resolution or ratification, as it remains valid and in effect,” dagdag niya.

Sabi pa ni Drilon, dating executive at justice secretary, ang muling pagbalik sa ICC ay isang ‘executive action’, lalo na’t pinagtibay na ng Senado ang naturang tratado.

Ang Senate Resolution No. 57 na ipinasa noong Agosto 23, 2011 ay nagpahayag na pagsang-ayon ng Senado sa ratipikasyon ng Rome Statute.

“Resolution No. 57, like any other resolution or law, remains legally binding unless specifically repealed. Its ratification has never been revoked,” ani Drilon.

Binanggit pa ni Drilon ang dating hakbang na ginawa ng ehekutibo, kabilang ng unilateral withdrawal sa ICC ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017.



Maliban diyan, binanggit din ni Drilon ang pagpapawalang bisa ng dalawang dekada nang Visiting Forces Agreement (VFA) noong Pebrero 2020, subalit binawi ni Duterte ang terminational letter para dito.