Advertisers
KULONG ang isang lalake na nangongolekta at nagnanakaw ng mga damit panloob o underwear ng mga babaeng kapitbahay sa Barangay District 1, Isabela.
Ayon kay Barangay Kagawad Esteban Uy, naaresto ang isang lalake mula sa kanilang barangay nang mabistong nagnanakaw ng mga underwear ng mga babaeng kapitbahay at itinatago ito sa loob ng kaniyang bahay.
Batay sa pagsisiyasat, isinasagawa ng manyakol ang pagnanakaw tuwing nalalasing ito.
Makikita sa isang video footage na umabot ng ilang sako ang nakolekta nitong underwear habang may ilan pang nakitang gamit sa kusina.
Ayon sa mga opisyal ng barangay, mabait ang pinaghihinalaan dahil wala naman silang naitalang rekord nito sa barangay, subali’t nagnanakaw siya ng under wear sa tuwing lango sa alak.
Sa halip na sampahan ng kaso, nakiusap ang isa sa kapatid nito na huwag na lamang sanang sampahan ng kaso dahil handa naman silang iuwi na lamang ang suspek sa kanilang bayan.
Bagamat pinatawad ang hindi na pinangalanan suspek, marami ang naghihinayang sa mga nagmamay-ari ng panty dahil ang ilan ay may kamahalan na posibleng ginagamit nito sa pagma-masturbate. (Rey Velasco)