Advertisers

Advertisers

US at British pedophiles, naaaresto ng BI sa Cebu

0 112

Advertisers

INIULAT ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaaresto ng dalawang dayuhang pedophiles na wanted ng mga awtoridad sa kanilang bansa sa pangmomolestiya ng mga bata.

Sa isang pahayag, kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang dalawang pugante na Amerikano na si John Tomas Minor, 42, at British national na si Derek Gordon Heggie, 40, na naaresto sa magkahiwalay na operasyon nitong Lunes ng mga operatiba ng fugitive search unit (FSU) ng BI sa pamumuno ni Rendel Ryan Sy sa Cebu province.

Si Minor ay naaresto sa isang condominium unit sa Cebu Business Park in Cebu City, habang si Heggie ay nadakma sa isang residential unit sa Bgy. Guadalupe, Bogo City.



Sinabi ni Tansingco na siya ay nag-issue ng mission orders para arestuhin ang dalawa dahil sa kahilingan ng US at British authorities na nag-imporma sa BI ng criminal records ng mga ito bilang sex offenders.

“They will be deported after our board of commissioners issues the orders for their summary deportation after which they will be included in our immigration blacklist to prevent them from reentering the country,” sabi ni Tansingco.

Binigyang diin din niya na: “we shouldnot allow these wanted sex offenders to use the Philippines as a sanctuary to elude arrest and evade prosecution for crimes they committed in their homelands.”

Ayon sa US authorities, si Minor ay subject ng arrest warrant na inilabas noong Mayo ng superior court sa Spokane, Washington kung saan kinasuhan siya ng rape at pangmo-molestiya sa bata.

Sinabi naman ng National Crime Agency of the United Kingdom na si Heggie ay napatunayang nagkasala sa kasong sexual assault noong Agosto 10, 2005 at nakagawa pa ng ilang sex crimes, kabilang na ang panggagahasa sa kanyang domestic partner noong 2018 at ex-partner noong 2013. Siya din diumano ay may kasong sexual activity sa isang menor de edad.



Nagbabala ang UK authorities sa BI na si Heggie ay kilala sa pagiging bayolente na may extensive criminal history kabilang na ang iba’t-ibang uri ng sexual abuse, damage to property, possession of narcotic substances, grave offenses at iba pa.

Pansamantalang nakapiit ang mga dayuhan sa BI office sa Mandaue City habang hinihintay ang kanilang paglipat sa warden facility ng BI sa Camp Bagong Diwa, Taguig City. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)