Advertisers

Advertisers

Armas, shabu nakumpiska sa 3 residente ng Cotabato City

0 25

Advertisers

Nasamsam ang anim na M16 assault rifles, mga bala at shabu, sa tatlong sangkot sa pagbebenta ng mga baril at shabu sa Cotabato City at mga karatig na mga bayan sa Maguindanao del Norte nitong Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ang mga naaresto na sina Abdulkahar Ampilan Balabaran, Mohaimen Ampilan Dimalen at Namraida Ampilan Lumayon.

Sa ulat, nakunan ang mga naaresto ng mga walang mga lisensyang mga baril at shabu sa kanilang tirahan sa Pascual area sa Barangay Mother Rosary Heights sa Cotabato City na ni-raid ng mga operatiba ng Cotabato City Police Office, ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region at the Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.



Ayon kay Police Brig. Gen. Allan Nobleza, director ng PRO-BAR, nakatakda ng sampahan ng kaukulang mga kaso ang tatlong suspek.