Advertisers

Advertisers

Beybi, tinangay ng babaeng nakitulog

0 3

Advertisers

Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang babae na tumangay sa 3-buwang sanggol na nakitulog lamang sa bahay ng isang mag-asawa sa barangay Gordon Heights, Olongapo city.

Ayon sa ama ng sanggol na si Archibal Laguardia, pinatuloy nila sa kanilang bahay ang suspek na si Aida Modal Gonzales dahil wala na umanong masakyan pauwi sa kanilang bahay.

Panatag naman umano ang kanilang loob sa ginawang pagpapatulog sa suspek dahil katrabaho ito ng kanyang misis.



Gayunman, pagsapit ng madaling araw nang magising ang mag-asawa, laking gulat nila nang wala na ang kanilang 3 buwang sanggol at maging ang babaeng na­kitulog.

Kaagad namang ipinagbigay-alam ng mag-asawa sa pulisya ang insidente na nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon at manhunt operation upang matunton ang suspek at ang sanggol na tinangay nito.

Humihingi naman ng tulong ang mag-asawa sa publiko sa makakapagbigay ng impormasyon sa suspek na tumawag o mag-text sa 09603993900 o 09485328369.