Advertisers
Nagsasagawa na ng search and rescue ang mga otoridad nang matukoy ang nawawalang eroplano patungong Palanan, Isabela nitong Huwebes.
Inihayag ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer ng Palanan, Isabela na si Ginoong Glenn Cabaldo, na huling natawagan ang piloto ng nawawalang Cyclone PA32 with Tail No. RP-C 1234 sa pagitan ng bayan ng San Mariano at Palanan.
Ayon kay MDDRMO Cabaldo, 9:39 ng umaga nitong Huwebes nang mag take-off sa Cauayan City Airport ang aircraft at inaasahan sanang makakalapag sa Palanan Airport ng 10:10 ng umaga subali’t hindi na ito nakalapag.
Huling natawagan ang piloto ng eroplano na si Capt. Levy N. Abul II bandang 9:50 ng umaga sa boundary ng San Mariano at Palanan.
Sakay nito ang isang pasahero na taga Divilacan, Isabela.
Kaugnay nito, nagsagawa na ng virtual meeting ang Office of the Civil Defense Region 2 kasama PDRRMO Isabela, MDRRMO Palanan at iba pang concerned agencies para sa pagsasagawa ng ground search sa mga lugar na posibleng kinaroroonan ng nawawalang aircraft.
Samantala, nitong nakalipas na buwan ng taon din kasalukuyan mayroon bumagsak na eroplano na halos ilan buwan din bago natukoy ang pinagbagsakan ng eroplano na ikinasawi ng ilan katao. (Rey Velasco)