Advertisers

Advertisers

Negosyante ninakawan ng 5 kasambahay na kaanak

0 2

Advertisers

Pinagnakawan ang isang babaeng negosyante ng mahigit P1.3 milyong halaga ng limang kasambahay na kamag-anak sa Barangay Del Pilar, Lopez, Quezon.

Kinilala ang mga suspek na sina Alyas Arlyn, Francelyn, Rechelle, Roselle, at Cathleen na residente ng Barangay Bocboc, Lopez, Quezon.

Ayon sa ulat ng Lopez Police, natuklasan ni Jocelyn Villafuerte, 57 anyos, businesswoman, na nawawala ang kanyang mga alahas na nagkakahalaga ng P1,312,200 at P35,000 cash na may anim na buwan din niyang inipon.



Nang hanapin ang kanyang mga kaanak na kasambahay, naglaho na rin ang mga ito na parang bula.

Tinutugis na ng mga otoridad ang mga suspek.