Advertisers

Advertisers

81 PDLs sa QCJMD, makalalaya ngayon Pasko

0 63

Advertisers

Magiging masaya ang Pasko ng 81 Persons Deprived of Liberty (PDLs) dahil sa inaasahang mapapalaya sila ngayon buwan ng Disyembre sa Quezon City Jail Male Dormitory.

Ayon kay Quezon City Jail Warden Jail Supt Michelle Ng Bonto , makalalaya ang mga PDL bunga ng pinaigting na paralegal efforts at decongestion program ng QCJMD.

Mula Enero hanggang Nobyembre 2023, may kabuuang 1,798 PDL na ang pinalaya at pinakamarami noong Enero na may 230.



Ayon kay Bonto, buwanan ang ginagawang pagpapalaya at nitong nakalipas na Nobyembre maya panibagong 102 PDL naman ang nakalaya.

Hanggang Nobyembre 27 ngayong taon, bumaba na sa 3,151 PDL ang jail population sa QCJMD.

Nauna nang pinuri ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na pinamumunuan ni Jail Director Ruel Rivera dahil sa mabilis na pagpapalaya sa 74,590 PDLs sa buong bansa.

Sabi pa ng kalihim,bumaba na sa 238% ang overcrowding sa mga jail facility mula sa 281% noong Enero ngayong taon.

“The credit goes to our paralegal team which has been working doubly hard in computing the time served by PDLs as directed by the Office of the Court Administrator (OCA),” pahayag ni Bonto.



Ipinaliwanag pa ni Bonto na sa ilalim ng OCA memorandum circular 201-2022, hindi na kailangan pa ng jail facility officials ang kautusan ng korte para sa pagpapalaya lalo na kung qualified na ang inmates.

“I-inform na lang ang court through writing kung qualified na ang isang PDL for release,” ayon kay Bonto.

Ang problema sa overcrowding sa mga piitan sa ilalim ng BJMP ay dekada na kung saan ito ang nais ni Abalos na maresolba.

Samantala, nang maupong Warden si Bonto mahigit isang taon nang nakalilipas umaabot sa 3,600 ang nakapiit sa QCJMD kung saan dahil sa programa ay bumaba na ito sa 3,151. (Almar Danguilan)