Advertisers

Advertisers

WALA PA RING KATAPAT ANG PBA

0 6

Advertisers

MARAMING nagtangka pero di man lang umabot sa kalingkingan ay tiklop agad ang mga ambisyosong liga.

Lahat ay bongga ang arangkada mula preparasyon ,graphics, press conference hanggang opening ceremonies na sobrang high tech ng produksyon nila.

Ang siste kahit anong gawin nilang pabongga at pakilala sa social media ay hanggang doon lang sila.Walang nanonood kahit libre ang admission.



Akala nila sapat iyong meron silang tao na gagawa ng resulta ng games para ipasa sa mga diyaryo kaya pag lumabas ang istorya ay pare-pareho ang nakasulat , walang damdamin,de-kahon at walang buhay ang litrato.

Masasabi mo lang na tunay ang liga kapag meron itong press corps na kumokronikel ng mga bawat iskedyul na laro.

Eh dedma lang sila at walang kortesiya sa ilan lang na gustong ikober ang games.

Kuha sila nang kuha ng sponsor eh sa social media lang nila naipo-post ang kumpanyang umaayuda sa liga nila eh sa totoo lang ay diyaryo pa rin hanap ng sponsor.

Ano ang sikreto ng staying power ng PBA?

Mahal at inaasikaso ng PBA ang print media.Magmula sa community newspaper hanggang tabloids at broadsheets newspaper ay itinuturing silang partner sa tagumpay ng paboritong pastime ng bayang basketbolista na PBA.



Dahil may reporter at photographer na representasyon bawat jaryo ay ang gaganda ng mga storyang nababasa at ang husay ng mga kuha dahil laging may photo contest.Dito nagsisimula pagsikat ng mga players.

Hanggang ngayon sa panahon na ng social media, mas lalong tumibay ang pakikitungo ng PBA sa print media.

Iniestima at kabilang sa pamilya tuwng may laro.

Kaya buhay na buhay ang PBA hanggang ngayon.Ang mga top brass kasi ng PhilippineBasketball Association ay nirerespeto ang partner nilang mga mamamahayag.

Ang mga bagong liga, lulubog- lilitaw dahil dedma nila ang actual coverage ng print media.

Wala pa ring tatalo sa PBA…MISMO!

Lowcut: May nakapanayam ang korner na ito tungkol sa sikat na tradisyunal na sport na sikaran.

Ang paksyon daw nina Mayor Latigo sa Baras ang tunay na founder ng SIKARAN .Sila lang daw ang me programa sa iba’t ibang panig ng kapuluan.At sila ang kinikilala ng mga sports leader ng bansa.Iyon ang sabi nila.Pero nakapanayam ko rin ang kampo ni GM Osias C. Banaag.Sila ang mas aktibo at marami ang naniniwala mula adults hanggang mga batang Sikaran martial artists partikular sa mga clubs hanggang school sports.Si GM din ang nagpalawig sa Sikaran mula national hanggang international kaya naitatag ang Global Sikaran Federation at kinilala sa international sports tampok dito ang kanilang markadong performance sa NBA Halftime Performance sa Chase Center sa laro ng Golden State Warriors at OKC Thunders. Sikat na talaga ang Sikaran sa mundo dahil kay GM Osias katuwang sina Master Crisanto Cuevas , Master E. Banaag at Master Manuel Banaag.

Sila mismo ang Sikaran.Iyong ibang paksiyon.. join na lang kayo ..

ABANGAN!