Advertisers
Nagulat tayo sa naging pahayag ni DOJ Secretary Crispin ” BOYING” Remulla na kinokonsidera na pala nitong ” ground zero” ang bisinidad ng Taal Lake as far as the cases of 34 missing sabungeros are concerned.
Bahagi ito ng pahayag ng DOJ Secretary sa kanyang interviews sa media na naging parte ng headline articles sa mga pahayagan kamakailan.
Ano ang pinagbasehan ni Kalihim Remulla branding the vecinity of Taal Lake as ” ground zero” at bahagi na ng kaso ng mga ” missing sabungeros”?
May na-recover na bang mga remains o mga buto ng kahit isang sabungero na nawawala?
Ang alam natin, bahagi lamang ito ng testimonya o akusasyon ng self proclaimed whistle- blower na si alias Totoy na di pa natin tiyak kung bahagi nga ng kanyang sinumpaang pahayag na isinumite na umano sa DOJ dahil up to this very moment ay wala pang kopya o sipi ng sworn statement ni alias Totoy tayong nakikita laban sa businessman na si Atong Ang.
Assuming na may sworn affidavit na nga ang witness na si alias Totoy patungkol dito,sapat na bang gawing basehan ito ni Remulla?
To remind everybody,wala pa pong kasong naisasampa laban kay Atong Ang et al patungkol sa kaso ng mga missing sabungeros.
Ang alam natin, ang whistle- blower na si alias Totoy at apat (4) pang co- accused nito ang nahaharap sa kasong isinampa na ng DOJ mismo sa husgado.
Kung paanong napagkalooban ng piyansa sina alias Totoy at mga kasamahan nito sa kabila ng napakabigat na mga kasong kinakaharap ng mga ito is another big question mark?
Bakit nga nakapagpiyansa sina alias Totoy Mr.DOJ Secretary sir?
Bakit di ito kinontra o tinutulan ng DOJ in the first place dahil na rin sa gravity at dami ng mga biktima sa kaso ng mga missing sabungeros?
Di ba DOJ ang nagsampa ng mga kasong ito sa hukuman laban sa grupo ni alias Totoy?
Another thing na nais nating malinawan mula kay Boying Remulla ay kung bakit TILA prejudge na agad ang kaso ng mga missing sabungeros base lamang sa testimonya ni alias Totoy na hindi pa man pinapahintulutan ng hukuman na tumayo bilang state witness base sa “less guilty party” principle ng batas
Hindi pa nga naisasampa ang kaso sa kung sino ang mastermind sa disappearances ng mga sabungeros,eto na si Sec.Boying at nagbibigay na ng premature pronouncements sa media.
Para ikonsiderang “ground zero” ang bisinidad ng Taal Lake,only shows that the secretary of Justice is heavily banking and tend to rely on a testimony of highly questionable whistle- blower who ironically happened to be the principal accused and presumed most guilty of the said crime.
Kung hindi glaring bias ito ni Remulla sa suspect turned whistle- blower na si alias Totoy, ano na ang matatawag dito?
Sa lahat ng mga palabas na ito na sa araw- araw ay natutunghayan sa mainstream media,we can’t help but to speculate na isa na naman itong ” mind conditioning and worst, trial by publicity against the group of Atong Ang to solved a sensational at inaamag na kasong di maresolba!
Hindi ito hustisya para sa pamilya ng mga missing sabungeros kung ganito kaburara at kakumplikado ang pag- handle sa nasabing kaso.
Kung lahat ng galawan ay hindi base sa matitibay na ebidensiya kundi sa machinations and speculations lamang na magbibigay ng false hope sa pamilya ng mga biktima, isang malaking mockery ito sa hustisyang inaasam makamtan ng pamilya ng mga biktima.
Masabi lang na may kinasuhan ay ayos na?
Ganoon lang ba yun?
Paano kung kinamada lamang at mali- mali ang prosesong ginamit at tinahak?
Eventually mababasura rin ang kaso sa huli di po ba?
Sana naman,hintuan na ang pagbibigay ng premature pronouncements at mga suntok sa buwang pahayag sa media for the sake ng pagpa-pogi at grandstanding.
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com