Advertisers

Advertisers

2 SUSPEK SA RAPE, ROBBERY AT DROGA, ARESTADO SA PASIG!

0 19

Advertisers

HAWAK na ng owtoridad sina alyas “Dex at Nani” kapwa arestado sa kasong rape, robbery at droga sa Pasig City.

Sa ulat ni Pasig City Chief of Police P/Col. Hendrix Mangaldan, target uno ng mga suspek ang isang 22-anyos na massage therapist, na nagpa book ng massage session sa Brgy., Maybunga sa lungsod.

Sa reklamo ng biktimang si alyas “Mae”, massage therapist napansin nito ang kani-hinalang kilos ng suspek na si “Dex” bago ang insidente.

Balisa umano ito at nanatiling nakasulyap sa bentana. Nasa entrance naman ang ginamit na piraso ng aluminium foil na hinihinalang drug paraphernalia.

Habang nagpapatuloy naman sa pamasahe ang biktima at dito na s’ya nakaramdam ng pagkahilo ng inumin nito ang inuming inialok ng suspek sa kanya.

Dito na umano s’ya nahilo at tuluyang nawalan ng ulirat.

Sa reklamo ng biktima sa pulisya, hinalay umano s’ya ng mga suspek dahil sa paggising umano nito ay wala na s’yang saplot sa katawan.

Nagkalat din umano ang mga gamit nito sa loob ng kwarto, habang wala na ang cellphone, wallet ID’s at cash nito.

Sa tulong ng may -ari ng unit na si “Christine” inireklamo nito s pulisya ang pangyayari.

Sa isinagawang follow operation nadakip ang mga suspek at nasamsam dito ang 12 gramo ng shabu na nasa P81,600.00, isang Samsung S10 na pag-aari ng biktima. (Edwin Moreno)