Advertisers
“The Department of Justice, through Secretary Remulla, confirms that during an initial technical site assessment at Taal Lake on July 10, 2025, a team from the Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), in coordination with the Philippine Coast Guard (PCG), retrieved a white sack containing what appears to be burned human bones.”
Saad sa opisyal na statement ng DOJ nitong Huwebes, Hulyo 10.
“This was during what was only supposed to be a preliminary inspection. However, a white sack was visibly identified and recovered from the lakebed,” sabi pa nito.
Ito ang unang araw ng search mission ng DOJ at iba pang ahensiya ng pamahalaan sa paghahanap ng mga labi ng missing sabungeros, na ayon sa whistleblower na si Julie ‘Dondon’ Patidongan alyas “Totoy”, ay itinapon sa lawa matapos iligpit ng mga tauhan ng negosyanteng si Charlie ‘Atong’ Ang dahil sa pandaraya sa sabong.
Ayon pa sa DOJ, ang mga sumusunod na hakbang ay kanilang gagawin sa tangkang matukoy ang pagkakakilanlan ng nabawing human skeleton:
“To formally certify whether the remains are indeed human through proper forensic examination – this will come from either CIDG or NBI; and
To conduct DNA testing to determine if there is a match with any of the families of the missing individuals.
This discovery could represent a significant breakthrough in the ongoing investigation. While we proceed with caution and diligence, it offers renewed hope that we are closer to uncovering the truth and securing justice for the families of the missing,” nakasaad sa statement.
Sa rebelasyon ni Totoy, nasa 108 sabungeros ang dinukot at pinaslang noong 2021 hanggang 2022, kasagsagan ng online sabong ng grupo nina Atong Ang, Engr. Celso Salazar, Eric dela Rosa, Gretchen Barretto at ilan pang kasama sa ‘alpha group’.
Sabi ni Remulla, apat na grupo ang sangkot sa krimen – Alpha, Bravo, Charlie at Delta. Organisado raw ang mga grupong ito. Iba ang dudukot, iba ang mag-iimbestiga, iba ang magdadala sa crime scene na silang kakatay, at iba ang magtatapon sa mga bangkay. Corporate killing nga araw ang nangyari rito.
Ayon naman kay PNP Chief, General Nicolas Torre, base sa mga impormasyon nilang nakalap, hindi lang paglubog sa Taal Lake ang ginawa sa missing sabungeros. Ang iba raw sa mga biktima ay sinunog at ibinaon sa lupa. Ininspeksyon na nga raw nila ang mga lugar na sinasabing pinagtapunan ng mga bangkay ng mga dinukot na sabungero.
Say pa ni Gen. Torre, ang 15 pulis na itinuturong sangkot sa pagdukot at pagpatay ay nagpahayag na ng kagustuhang maging state witness. Nasa kostudya na ng PNP ang mga ito at pinipiga na sa kanilang mga nalalaman sa krimen.
Subaybayan!
***
Kung bakit ganun ka-organisado ang nasa likod ng missing sabungeros ay dahil daang milyong piso ang kinakamal noon ng online sabong ng grupo ni Atong Ang.
Bukod kay Gretchen Barreto, kasama rin sa alpha group ni Atong ang mister ng isang aktress, na ang mga anak ay artista rin na ang isa ay politiko, na madalas kasama ni Atong sa mga lakad.
Ang isinasangkot namang dating Judge, na opisyal ngayon ng PCSO na umano’y fixer ni Atong sa kanyang mga kinakaharap na kaso, ay isang sabungero/breeder sa Batangas.
Ang retired judge na ito ay maliit na breeder lang daw dati. Pero nang madikit kay Atong Ang ay lumawak na ang gamefowl breeding business.
Todo tanggi naman, siempre, si retired Judge sa mga inaakusa sa kanya ni Totoy. Wasla namang kriminal na umaamin ng kasalanan, eh. Hehehe…