Advertisers
Sumuko sa mga awtoridad ang tatlong humoldap at pumatay sa TNVS driver na si Raymond Cabrera sa Parañaque City noong Mayo.
Dahil natakot sa kanilang kaligtasan nang mabunyag ang kanilang pagkakakilanlan, na-kipag-ugnayan ang mga pamilya ng mga salarin sa mga lokal na opisyal at kay Manila Mayor Isko Moreno upang maisaayos ang pagsuko.
Ipinahayag ni Moreno ang pasasalamat na may pag-usad ang kaso, at nakikiramay sa pa-milya ng biktima.
Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga sa-larin. Itinuro narin nila nitong Biyernes ang lugar na pinagtapunan ng bangkay ng driver sa Nueva Ecija.
Nakuha si Cabrera ng mga salarin noong Mayo 18 sa Parañaque, ngunit hindi na nakarating ang sasakyan sa destinasyong Molino, Cavite.
Ipinakita ng dashcam audio na tinusok si Cabrera at hindi na siya ang nagmamaneho. Nakuha rin ng CCTV ang mga salarin na bumababa sa ninakaw na sasakyan sa Valenzuela City noong hapon ng parehong araw.
Ang mga salarin ay pawang taga-District 2, Tondo, Manila. Sumuko sila sa barangay officials at dinala kay Mayor Isko Moreno Huwebes ng gabi. Pagkatapos nito ay ibinigay ang kostudya sa NBI.(Jocelyn Domenden)