Advertisers

Advertisers

Sako ng mga buto narekober sa Taal Lake

0 11

Advertisers

Narekober ng mga awtoridad ang mga sako na may lamang hinihinalang mga buto sa isinasagawang retrieval operations kaugnay ng mga nawawalang sabungero na umano’y itinapon sa Taal Lake.

Nitong Biyernes, ipinagpa-tuloy ang ikalawang araw search and retrieval operation sa mga labi ng mga nawawalang sabungero na sinasabing tinapon sa lawa ng Taal sa pagitan ng taon 2021 at 2022.

Ayon kay Batangas Police Provincial Director, Colonel Geovanny Emerick Sibalo nitong Huwebes, Hulyo 10, na-tagpuan ang isang sako 10 metro ang layo mula sa pampang.



Hindi pa tiyak kung mga buto ng tao ang laman ng sako na nakuha sa lawa. Isinasailalim pa ito sa forensic examination ng regional Scene of the Crime Operatives (SOCO).

Huwebes ng hapon, nadiskubre din ang sako na may laman na hinihinalang buto ng tao pero sasailalim pa rin ito sa forensic examination, ayon na rin sa Department of Justice (DOJ).



Sakaling magpositibo na buto ng tao ang mga ito, isasai-lalim ito sa DNA test upang matukoy kung mayroon tutugma sa mga kamag-anak ng mga nawawalang mga sabungero.

Matatandaang isiniwalat ni Julie “Dondon” Patidongan alyas “Totoy” na higit 100 sabungero ang dinukot, pinaslang, at tinapon sa isang fishing farm sa Taal lake sa Batangas.



Itinuturo ni Patidongan ang negosyantenh si Atong Ang at aktres na si Gretchen Barreto ang nasa likod ng mga nawawalang mga sabungero .

Mariin naman itinatanggi nina Ang at Barreto ang akusasyon (Jocelyn Domenden/Mark Obleada)