Advertisers
Nasawi ang dalawang biyahero at 30 ang naisugod sa mga hospital sanhi ng paggulong at pagbulusok ng isang unit ng Rural Transit Bus sa malalim na gilid ng highway sa Barangay Mahayahay, Dumingag, Zamboanga del Sur, Huwebes, ng umaga, July 10, 2025.
Ayon sa inisyal na ulat ng Dumingag Municipal Police Station, marami sa mga nasaktang bus passengers – mga estudyanteng may sadya sa Pagadian City.
Mula sa Sindangan, Zamboanga del Norte ang bus ay patungo ng Pagadian City nang pumutok ang isa sa front tires nito kaya lumihis, gumulong at lumagpak sa malalim na gilid ng highway.
Agad namang nadala ng emergency responders ang mga sakay ng bus sa mga hospital. Dalawa sa kanila ang namatay sanhi ng mga sugat at pasa sa katawan. (Mark Obleada)