Advertisers
Si Francisco “ Django” Bustamante ay isa sa pinakamahusay na pool player sa buong mundo. May mga 80 na siyang napanalunang pandaigdigang titulo.
Mula siya sa lalawigan ng Tarlac at isa sa walong anak ng isang farmer at toilet-builder. Natuto siya ng game sa pagtratrabaho sa kapatid niyang may billards hall.
Ang 2010 World 9-Ball na kampeon at ang kapwa Pinoy cue artist Efren “Bata” Reyes ay magkumpare at madalas magkapakner sa doubles.
“ May usapan pa kami ni pareng Efren na hati kami sa premyo kahit ano ang mapagwagian namin sa mga torneong sinsalihan sa individual category,” wika ni Django sa isang panayam.
Ang hindi batid ng marami ay malapit silang magkaibigan ni dating Pangulon Noynoy Aquino na kanyang kababayan sa Tarlac.
Yung bigay niyang souvenir t-shirt kay PNoy ay paborito ng 15th na presidente natin.
Ang naturang damit ay naka-display sa mga memorabilia ng tanging anak na lalake nina Ninoy at Cory sa Aquino Center sa Hacienda Luisita.
Ayon kay Karen Lacsamana-Carrera na manedyer ng museo ay madalas suotin ng kuya ni Kris ang t- shirt sa bahay.
“Comfotable siya sa bigau ni Django,” eka sa atin ni Karen.
Nakita natin mismo ito katabi ng iba pang mahahagang item ni PNoy sa bahaging Noynoy ng Aquino Center.
***
May napansin si Pepeng Kirat na Facebook post na letrato ng Tamaraw produkto ng Toyota na sakay sa driver’s seat si Sonny Jaworski. Nakatayo sa tabi ng sasakyan sina Ompong Segura at Arnie Tuadles. Naka-squat ng upo naman si Francis Arnaiz. Nakauniporme silang apat ng Toyota na koponan.
Eka ni Pepe ay lumang print ad daw iyon. Kako mukhang AI-generated na layout kasi sobrang linaw.
Kung noong araw pa yan ay medyo malabo na.
Tama mga numero na kay Jawo ay 7, Arnaiz ay 8, Segura ay 15 at Tuadles ay 10. Kaso yung pagka-blue na kulay ng jersey ay hindi ganoon pagkakatanda natin. Ipinarehas kasi sa color ng Tamaraw na vehicle.
***
Magkakagrandslam na rin ba ang TNT sa PBA pagharap nila sa Finals kontra sa SMB? O mauulit ang 2011 nang talunin ng Petron (SMC) ang Tropang Texters? Sa Game 7 ng Governors Cup ay dinaig ng TrailBlazers upang mapigilan ang ikatlong sunod-sunod na titulo ng TNT sa season na yon.
Ngayon nga ang dalawang prangkisa na naman ang magtutuos sa huling conference ng liga. Ma-hinto kaya ulit ng team ni RSA ang grandslam-seeking franchise ni MVP? Abangan! Malalaman sa serye na magsisimula bukas. Tropang 5G na ba o Beermen?