Advertisers

Advertisers

PAGAWAANG SAPATOS PANGUNAHING KABUHAYAN PA RIN SA MARIKINA CITY!

0 2,610

Advertisers

Napakaraming uri na ng mga pangkabuhayan ngayon sa iba’t ibang panig ng ating bansa.., subalit nananatili pa rin na ang paggawa ng mga QUALITY SHOES ang pangunahing produkto sa lungsod na tinaguriang SHOE CAPITAL OF THE PHILIPPINES na halos ang iba’t ibang bansa ay tumatangkilik at ipinangnenegosyo ang mga iniaangkat nilang sapatos mula sa MARIKINA CITY.

Natatandaan ko noong bata pa ako, ilang mga kalugar namin na nanggagaling sa ibang bansa ay nagpapasalubong minsan ng IMPORTED SHOES halimbawa ay galing AMERICA e siyempre ang tatak o brand ng sapatos na pasalubong ay MADE IN USA na minsan sa koryusidad ko ay sinubukan kong tanggalin ang suwelas.., hayun sa ilalim ay may tatak na VALENTINO SHOES hehehe gawang MARIKINA na ibinibida ng ilang kababayan nating galing sa ibang bansa ay ipinagmamalaki na ang pasalubong nila ay IMPORTED SHOES hehehe pero gawang MARIKINA.

Hindi lang natin alam kung ang mga FOREIGNER ang may gawa na palitan ang etiketa ng sapatos o ang mga kababayan din natin ang nag-aangkat ng MARIKINA SHOES para madala sa ibang bansa at doon ay tatakpan ang etiketa at palilitawin na halimbawa ay MADE IN USA.., hehehe kani-kaniyang estilo sa pagnenegosyo.., ang mahalaga ay patunay ito na QUALITY SHOES ang MARIKINA MADE dahil maraming FOREIGNER na ang nag-aangkat para ipangnegosyo sa kanilang bansa ang MARIKINA SHOES.

Nitong July 9, 2025 ay ipinakita sa MEDIA PRACTITIONERS ni NEWLY ELECTED MARIKINA CITY 1st DISTRICT REPRESENTATIVE MARCY TEODORO ang MARIKINA SHOE MUSEUM na katatampukan dito ang.mga sinaunang gamit sa paggawa ng sapatos at ang model series ng mga sapatos; ilang sapatos ng mga nagdaang PHILIPPINE PRESIDENT, gayundin ang ilang koleksiyon ng mga sapatos ng ilang kilalang CELEBRITIES; koleksiyong sapatos ng ilang mga naging MARIKINA GOVERNMENT OFFICIALS.., at naka-display rin sa naturang museum ang may 381 pares ng sapatos na LOCALLY at FOREIGN MADE SHOE COLLECTIONS ni dating FIRST LADY IMELDA ROMUALDEZ MARCOS.., na ito rin ang malakas na tagapag-endorso ng MARIKINA MADE SHOES.

Sa kasalukuyan ay halos nasa 7,000 MARIKEÑOS ang nakikinabang sa SHOE INDUSTRY na ito ang pangunahing pinagmumulan ng kanilang pangkabuhayan.

Sa bawat pares ng sapatos na mabibili sa MARIKINA ay katumbas nito na 4-katao sa SHOE MAKING INDUSTRY ang nababahaginan ng katulungan ayon sa pagpapahayag ni REP. TEODORO.

Samantala, ang asawa ni REP. TEODORO na si MARIKINA CITY MAYOR MAAN TEODORO ay nagpahayag na ang kanilang CONSTITUENTS ay preparado na sa mga dapat gawin tulad ngayong tag-ulan dahil ang kanilang lugar ang nagsisilbing CATCH BASIN ng mga tubig na umaagos.mula sa matataas na lugar tulad sa mga bayan at kabundukan ng RIZAL PROVINCE.

Aniya, ang sistema ng kanilang CITY GOVERNMENT sa mga pagkakataong panay ang buhos ng ulan ay inaalerto ang kanilang CONSTITUENTS tulad sa unang pagpapatunog ng serena (serene sound) ay senyales na kailangang umalerto na ang mga residenteng naninirahan malapit sa MARIKINA RIVER. Ang 2nd serene sound ay kinakailangang magsilikas na ang mga residente na nasa tabing ilog.

Nakahanda na rin umano ang lahat ng kagamitan sa panahon ng pagbaha tulad ng mga rubber boat, tent para sa pansamantalang magagamit ng mga evacuees at mga pagkain para sa agarang pagtugon sa emergency situations.

Patuloy ang isinasagawang dredging para sa pagpapalalim ng MARIKINA RIVER upang makayanan nito ang malaking volume ng tubig at maiwasan ang matinding pagbaha sa kanilang CITY PROPER tuwing magkakaroon ng matinding buhos ng ulan!

***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.