Advertisers
Nauwi sa saksakan ng kutsilyo ang away ng mag-live-in partner at isa ang sugatan sa Barangay Poblacion 2 sa Cotabato City nitong Sabado ng gabi .
Kinilala ang sugatan na si Cherrymae Macion Samson; at ang salarin kinilalang si Albert Vergara.
Nasa hospital si Samson at si Vergara na lango sa shabu nang maganao ang isidente ang mabilis na tumakas.
Sa inisyal na pahayag ng Cotabato City Police Office, may pinagtatalunan si Samson at Vergara at sa kalagitnaan ng kanilang away, kumuha ng kutsilyo ang salarin at sinaksak ng ilang ulit ang biktima.
Hinahanap pa si Vergara upang maikulong at mapanagot sa krimen.